Monday, January 20, 2020


LONG WALK TO FREEDOM


Sanaysay ni Mielad Al Oudt Allah

Sinuri ng ika-limang pangkat.



  • PAGKILALA SA MAY-AKDA



- Ang nag-udyok sa kaniya na isulat ang akda ay ang pagbasa niya sa libro ni Nelson Mandela na "Long Walk to Freedom" 
- Siya ay nag-aaral pa lamang sa kaniyang Master's degree sa larangan ng politika nang ilikha niya ang kaniyang sanaysay patungkol sa libro ni Mandela na Long Walk to Freedom.

  • URI NG PANITIKAN




- Ang Long Walk to Freedom ay isang sanaysay mula sa South Africa. Ito ay naghahatid o tumatatalakay ng opinyon tungkol sa isang kaisipan o paksa. Ang sanaysay na ito ay nagbibigay ng aral at impormasyon sa mga mambabasa nito.


  • LAYUNIN NG AKDA 




- Layunin ng sanaysay na humikayat na ipaglaban ang kalayaan at karapatan ng lahat
- Layunin din nito na ikuwento ang buhay ni Nelson Mandela


  • PAGLALAPAT NG TEORYANG PAMPANITIKAN


Realismodahil ang akda ay pangyayari sa totoong buhay at ito'y laganap sa buong mundo lalo na sa South Africa.




Sosyolohikaldahil ipinapakita ang ugnayang namamagitan sa buhay ng mga mamamayan ng South Africa at ng nga pwersa ng lipunan

  • TEMA O PAKSA NG AKDA




- Ang tema o paksa ng akda ay patungkol sa pagkaroon ng pantay-pantay na pagtingin at paglaban sa diskriminasyon.


  • MGA TAUHAN / KARAKTER SA AKDA




Nelson Mandela - isang politiko na naglingkod bilang pangulo ng Timog Aprika mula 1994 hanggang 1999.



Gadla Henry Mphakanyiswa - siya ang ama ni Nelson Mandela na itinalagang pinuno ng bayan ng Mrezo.



Gobernador Mqhkezweni - ang naka-impluwensiya kay Nelson Mandela sa pamamagitan ng demokratikong katangian ng mga lokal na pagtitipon sa bahay niya.
skriminasyon.

  • TAGPUAN/PANAHON




- South Africa Ang bansa kung saan naging pangulo si Nelson Mandela.



Johannesburg - kung saan pinamahalaan ang sariling kompanya ng panananggol (law firm)


Maliit na nayon sa rehiyon ng Transkei - dito ipinanganak si Nelson Mandela.



Minahan ng karbon sa Johannesburg - kung saan naghahanap ng trabaho si Mandela.



Unibersidad ng South Africa - kung saan nakapagtapos si Nelson Mandela ng Bachelor of Arts.


  • NILALAMAN O BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI




- Ang nilalaman nito’y luma na, sapagkat maraming akda na ang patungkol sa paglaban sa diskriminasyon, hindi man ito ganun nakaiiba ngunit ito’y isang napakaimportanteng isyu hanggang ngayon. Ang akda’y may kaisahan sa paglalapit ng mga pangyayari at katulad ng ibang sanaysay na may kaparehong ideya ay maraming matututuhan ang tao mula sa pagbasa nito, isa na ang mga karaniwang nangyayari tuwing may diskriminasyon na nagaganap sa isang komunidad at kung paano ito malalabanan o mawawala.

  • MGA KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY NG AKDA




Taglay ng akda ang ipakita sa mga mambabasa na hindi kailanman dapat maging basehan ng kalayaan ang lahi at kulay ng isang tao.
Isa pang kaisipang taglay ng akda ay ang pagbibigay inspirasyon at lakas-loob mula sa mga ginawa ni Nelson Mandela para sa kapwa niyang naaapi ang kalayaan.


  • ESTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA




Epektibo ang paraan ng pagkakagamit ng mga sakita sapagkat madali itong unawaan.
Pagkiling mula sa mga itim.
Nagpapakita ito ng mga totoong pangyayari


  • BUOD




Namayani ang opresyon at dominasyon sa South Africa noong mga nakaraang dekada kaya't isinaisip at isinapuso ni Nelson Mandela na ipaglaban ang kalayaan ng bawat tao maging anuman ang kaniyang lahi at kulay. Ang mga pinagdaanan at aksyon ni Nelson Mandela ay nagbigay-linaw sa mga inambag niya para magkaroon ng pagkaka-pantay-pantay.


LONG WALK TO FREEDOM Sanaysay ni Mielad Al Oudt Allah Sinuri ng ika-limang pangkat. PAGKILALA SA MAY-AKDA ...